Batay sa mga nagsumbong na pasahero, umaabot ang kanilang pamasahe sa halagang Php1,500.00 hanggang Php 2,050.00 bawat isa at ang mga nahuling sasakyan naman ay na-impound agad sa pangangalaga ng LTFRB – R02.
Ayon sa pahayag ng LTFRB-R02, maraming mga sasakyang colorum ang kanilang nakikita na naghahanap ng mga pasahero sa social media kung kaya’y nakikiusap sila sa publiko na ipag-bigay alam sa kanilang himpilan kung may mga ganitong makita.
Tiniyak naman ng LTFRB-R02 na hindi nila hahayaan ang ganitong modus ng mga naturang sasakyan na lumalabag sa panuntunan ng naturang ahensya.
Paalala naman sa mga patuloy na nagsasagawa ng ilegal na gawain, na kumpletuhin at asikasuhin na ang mga kailangang dokumento sa pagmamaneho o dika’y mag re-new ng prangkisa para makaiwas sa violations.