2 Cotabato City Police na nagpositibo sa Covid 19, nakalabas na ng Isolation Center

Kasalukuyang isinasagawa ang City Peace and Order Council 2nd Regular Quarterly Meeting .
Pinangunahan ito ni Mayor Cynthia Guiani Sayadi kasama ang mga opisyales ng City Pnp, 2nd MBLT, PDEA , Department Heads at mga Baranggay Chairperson.
Kabilang rin sa dumalo si City Health Officer Dr. Meyasser Patadon na masayang inihayag na 13 mula 15 mga nagpositibo sa Covid 19 sa syudad ay nakarekober na.
Pinakahuli rito ang dalawang elemento ng City PNP na nakabase sa Station 3.
Sinasabing nakalabas na ito ng isolation center kaninang umaga matapos makarekober dagdag pa ni Dr. Patadon sa panayam ng DXMY.
Habang napag-alaman rin na ang tsuper na nagpositibo sa rapid test ay nasa Isolation Center na rin ng IPHO Maguindanao.
Matatandaang umuwi ng Datu Piang ang tsuper mula RH 3 matapos malaman na positibo ito sa Rapid Test.
Bagaman nagpositibo sa Rapid Test nilinaw naman ni Dr. Patadon na patuloy na inaantay ang resulta ng Swab Test nito.(D.A)

Facebook Comments