11 ka miyembro ng NPA sa Antique, nag surrender sa kapulisan

Kalibo, Aklan – Labin isang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nag surrender sa mga kapulisan kahapon.
Ayon kay Police Regional Office 6 Spokesperson Gilbert Gorero, nag surrender ang mga ito sa mga pulis na nag o-operate sa Antique at Aklan.
Pagod, gutom at hirap ang nagtulak sa mga ito para na magbalik loob.
Kahapon ay iniharap sa mga media sa Camp Delgado ang mga nag surrender kasama na rin ang mga armas na kanila ring isinurender na kinabibilangan ng 2 shot gun, 1 caliber 45 pistol , 3 granada, 5 rifle grenade, at mga bala
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Antique Police Provincial Office (APPO) ang mga nag surrender para sa siguridad ng mga ito.
Hawak naman ng Police Regional Office (PRO 6) ang dokumento na ang mga nag surrender ay miyembro ng NPA.

Facebook Comments