2 COVID-19 patients sa Calamba City, Laguna na nakitaan ng Delta variant, gumaling na

118

Gumaling na mula sa Delta variant ang dalawang COVID-19 patient sa Calamba City, Laguna.

Ayon kay Calamba City Health Office Head Dr. Adelino Labro, noon pang July 12 idineklarang ‘recovered’ ang dalawang pasyente.


Aniya, walang history of travel sa abroad ang mga pasyente at wala rin silang nakasalamuhang overseas Filipino worker (OFW) mula sa bansang may kaso ng Delta variant.

Matatandaang kahapon, 12 bagong kaso ng Delta variant ang naitala ng Department of Health (DOH) para sa kabuuang 47 kaso kung saan tatlo na ang nasawi.

Facebook Comments