Karagdagang 1-M doses ng Sinovac vaccine, nasa bansa na

31

Dumating na sa bansa ang karagdagang isang milyong doses ng Sinovac vaccines kaninang umaga.

Ipamamahagi ang panibagong batch ng bakuna sa mga NCR Plus at iba pang lugar na nakararanas ngayong ng COVID-19 surge.


Sa kabuuan, nasa higit 30 million doses na ng bakuna ang natanggap ng bansa mula sa iba’t ibang manufacturers.

Nasa 7 million doses pa ang inaasahang ide-deliver sa bansa ngayong Hulyo at sa Agosto na bahagi ng 164 million doses na na-secure ng pamahalaan ngayong 2021.

Facebook Comments