Pinangunahan ni DOLE Secretary Silvestre H. Bello III, Cabinet Officer ng Regional Development and Security (CORDS) ng Lambak ng Cagayan ang pamamahagi ng Starter Kits kina alyas “Gilbert” at alyas “Mac Mac” kasabay ng isinagawang RTF-ELCAC Meeting sa Isabela Provincial Capitol kahapon, Mayo 7, 2022.
Isang welding equipment set at rice-retailing package, na parehong nagkakahalaga ng tig- P25,000.00 ang iginawad sa mga dating rebelde sa tulong na rin ng 86th Infantry “Highlander” Battalion, Philippine Army.
Samantala, nabigyan rin ng livelihood assistance ang grupo ng mga mamamayan sa mga lugar na apektado ng insurhensiya at mga set ng bisekleta naman sa mga qualified beneficiaries ng programa.
Ang inisyatibong ito ay bahagi pa rin ng ginagawang hakbang ng pamahalaan para sa pag-unlad ng sambayanan lalo na sa mga naligaw ng landas at makamtan ang kapayapaan sa bansa.