2-day number coding scheme, panukala pa lamang ayon sa MMDA

Manila, Philippines – Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mungkahi pa lamang at hindi pa ipatutupad ang 2-day number coding scheme.

Sa ilalim ng panukala, dalawang beses na bawal sa kakalsadahan ang mga coding na saksakyan.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, ito’y pansamantalang solusyon lamang hangga’t patuloy ginagawa ang mga proyektong magpapaluwag ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.


Maliban dito, plano rin ng MMDA na ibalik ang odd-even scheme kung saan hanggang tatlong araw na hindi makakabyahe ang mga sasakyan.

Facebook Comments