2 days ‘Total Lockdown’, Ipinatupad sa San Agustin, Isabela

*Cauayan City, Isabela*-Nagpatupad na nang dalawang (2) araw na Total Lockdown ang Bayan ng San Agustin, Isabela makaraang makapagtala ng unang kaso ng COVID-19 na isang health worker.

Ayon kay PCAPT. Prospero Agonoy, hepe ng PNP San Agustin, nakatakdang magpulong ang lahat ng miyembro ng covid-19 task force upang talakayin ang mga hakbang kaugnay sa paghihigpit sa kabila ng kaso ng nakamamatay na sakit.

Kinumpirma din ng opisyal na nananatiling sarado ang mga pampublikong pamilihang bayan upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng nasabing sakit habang nananatiling bukas ang mga botika.


Sa kabila nito, pinayagan naman na mag-ani ang ilang magsasaka para sa kanilang mga pananim na mais at palay.

Nakalatag na ang checkpoint sa boundary ng Probinsya ng Quirino at Jones upang matiyak na walang makakapasok at lalabas sa kanilang bayan.

Sa ngayon ay nananatili ang mahigpit na pag-iikot ng mga awtoridad para mapangalagaan ang sitwasyon ng publiko.

Facebook Comments