2 dayuhan, arestado matapos maaktuhang nagtatalik sa Boracay

Boracay photo courtesy: TripAdvisor

KALIBO, Aklan — Nahuli sa akto ang dalawang dayuhang nagtatalik umano sa Bulabog Beach sa Boracay Island, Huwebes ng gabi.

Rumesponde ang Malay Municipal Police sa reklamong may malaswang ginagawa ang lalaking Australian at babaeng British national na malayang nasasaksihan ng publiko.

Nadatnan ng awtoridad ang dalawa, kapwa 26-anyos, na walang saplot sa mababaw na bahagi ng beach bandang alas-6 ng gabi.


Pinaniniwalaang dala ng kalasingan kaya nagawa ng dalawa ang kahalayan.

Sinampahan sila ng kasong grave scandal at disobedience to person in authority matapos magtangkang tumakas ng lalaki.

Agad naman ding nakalaya ang dalawa matapos magpiyansa ng tig-P6,000 sa unang kaso at P3,000 naman sa isa pa.

Facebook Comments