Pandesal Vendor, Patay Matapos Salpukin ng Motorsiklo!

102

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang maglalako ng pandesal matapos salpulkin ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng Brgy Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Pasado alas 6:00 kaninang umaga nang mabangga ang biktima na si Joel Natividad Sr, 56 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. 3, San Mateo, Isabela habang ang suspek ay kinilalang si Jomar Galapon, 24 anyos, walang asawa, at residente naman ng Brgy. Estrella, San Mateo, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng biktima ang lansangan patungong Hilagang direksyon at habang paliko ito sa kabilang linya ay aksidente itong nabangga ng sumusunod na motorsiklo ng suspek.

Sa tindi ng salpukan ay nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang at katawan ang biktima na agad namang isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Dinala rin sa pagamutan ang suspek para sa kanyang karampatang lunas habang inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments