2 dayuhan, huli dahil sa pekeng pasaporte

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang dayuhan dahil sa paggamit ng pekeng pasaporte.

Kinilala ang mga dayuhan na isang Chinese na si Han Yujia, 36-anyos at Columbian national na si Juan Arturo Carbajo, 48-anyos.

Ayon kay Glen Comia ng immigration travel control and enforcement unit, naharang ng BI ang dalawa na tinangkang makalabas ng bansa gamit ang mga pekeng pasaporte.


Napag-alamang nabili ng mga dayuhan ang pekeng pasaporte sa halagang 300 dolyar.

Sa ngayon, kasalukuyang naka-piit ang dalawang dayuhan sa Bicutan Detention Center habang inaayos ang kanilang deportation papers.

Facebook Comments