2 Dekadang naabandonang Hospital sa Maguindanao, muling nabuksan!

Pinangunahan ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang muling pagbubukas ng halos nasa 24 na taong nakasarang Hospital sa Parang sa Maguindanao.

Sumasaksi sa maituturing na makasaysayang araw ang mismo Minister ng Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Dr. Safrullah Dipatuan, IPHO Maguindanao Chief Dra. Elizabeth Samama, PRO BAR Director BGen. Manuel Abu, PNP Maguindanao Director Col. Arnold Santiago , 2nd MBLT Batcom Col. Pola, mga Opisyales sa BARMM at Maguindanao.

Pansamantala munang gagawing Covid -19 Isolation Facility ang Hospital habang kinukumpleto ang mga kagamitan nito at ang Medical Team nito. Sinasabing may 100 beds ito at may mga naka standby ng mga oxygen tanks at medical supplies.


Nagpapasalamat naman ang LGU Parang sa pangunguna ni Mayor Cahar Ibay sa naging inisyatiba ng Gobernadora na tyak magiging malaking tulong di lamang sa mga taga Parang maging sa mga kalapit bayan nito lalong lalo na ang Iranun Towns na kinabibilangan ng Buldon, Barira, Matanog ng Maguindanao at mga bayan ng Kapatagan , Balabagan at Malabang sa Lanao Del Sur.

Sinasabing tinatayang nasa 100 Milyong Peso ang ilalaang pundo sa Parang District Hospital para tuluyang makapag-operate sa publiko. Nangako na rin ang BARMM Government na maglalaan ng karagdagang pundo sa nasabing ospital.

Ang Re-Opening ng Parang District Hospital ay bunsod na rin sa naging pangako noong nakaraang election ni Gov. Mangudadatu na mabigyan ng prayoridad ang Medical Services sa probinsya.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments