Tulak ng Droga na Kabilang sa Regional Priority Target List, Arestado!

88

Cauayan City, Isabela- Bumagsak na sa kamay ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Regional Priority Target List ng PDEA at PNP matapos itong kumagat sa drug buybust operation ng mga otoridad sa Brgy. Rizaluna, Alicia, Isabela.

Ang nadakip ay nakilalang si Roel Jacinto, 35 anyos, walang asawa, truck helper at residente ng Brgy. Rizaluna, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), dakong alas 6:50 kagabi nang mahuli ang suspek kung saan nabentahan nito ng dalawang (2) sachet ng hinihinalang shabu ang isang kasapi ng PDEA na nagpanggap na bumili.


Habang kinakapkapan ang suspek ay narekober pa sa pag-iingat nito ang anim (6) na sachet ng pinaniniwalaang shabu, isang libong piso at apat (4) na piraso ng boodle money.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments