2 Domestic flights ng Cebu Pacific, kinansela dahil sa sama ng panahon

Dalawang domestic flights ng Cebu Pacific ang kinansela ngayong umaga dahil sa sama ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa abiso ng MIAA, hindi na itinuloy ng nasabing airlines ang paglipad ng kanilang eroplano na may flight 5J 196/197 mula Manila-Cauayan (Isabela) at pabalik ng Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan muna sa kanilang airlines bago magtungo ng paliparan.


Facebook Comments