Mayor Francis Zamora, nagsumite na ng COC para sa muling pagtakbo bilang alkade ng San Juan

Sinalubong si San Juan City Mayor Francis Zamora ng mga taga-suporta nito ng maghain ito ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec)-San Juan ngayong umaga.

Pero bago pa man tumuloy si Zamora sa Comelec-San Juan, dumaan muna ito sa St. John the Baptist Parish (Pinaglabanan Church) upang manalangin at dumalo sa thanksgiving mass.

Kasabay rin niyang maghain ng COC ang kayang mga kaalyado o makakasama niya sa kanyang ticket na sina Vice Mayor Warren Villa at Angelo Agcaoili.


Kasama rin ang 11 personalidad na tatakbong konsehal ng Una at Ikalawang Distrito ng lungsod.

Sinamahan din siya ng kanyang maybahay at ang isa nitong anak na babae.

Ito na ang ikatlong termino ni Zamora bilang alkalde ng San Juan kung sakaling manalo sa 2022 national election.

Facebook Comments