2 dose ng Pfizer, AstraZeneca, epektibo laban sa Delta variant

Epektibo laban sa Delta variant ang dalawang dose ng Pfizer-BioNTech o AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Batay ito sa resulta ng isang pag-aaral na inilathala sa New England Journal of Medicine kung saan lumabas na 88% na epektibo laban sa Delta variant ang Pfizer habang 67% naman ang AstraZeneca.

Pero binigyang-diin din sa pag-aaral na hindi sapat para makakuha ng mataas na proteksyon laban sa nasabing variant ang isa lamang dose ng mga nasabing COVID-19 vaccine brand.


Ayon sa Public Health England (PHE), ang isang dose ng Pfizer ay mayroon lamang 36% efficacy kotra Delta variant habang ang AstraZeneca ay 30%.

Facebook Comments