Saturday, April 4, 2026

BOC, ipinagpatuloy ang public auction ng mga luxury vehicles na kanilang nakumpiska

Muling isinagawa ng Bureau of Customs (BOC) ang public auction ng mga luxury vehicles na kanilamg nakumpiska.

Nasa 12 mamahaling sasakyan ang nakatakdang isailalim sa bidding.

Kabilang dito ang pitomg natitirang sasakyan na nakumpiska mula sa mga Discaya.

Habang ang limang luxury vehicles ay ang mga nasabat ng BOC sa ikinasa nilang mga operasyon.

Nasa apat na kumpaniya naman ang sumali sa public auction na ginaganap sa tanggapan ng BOC sa Maynila.

Ang malilikom naman na pondo ay ituturn-over ng BOC sa kaukulang ahensya upang magamit sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyong makikinabang ang mga mamamayan.

Facebook Comments