2 drug addict arestado sa Taguig

48

Hindi na nakawala pa ang dalawang drug suspek matapos na arestuhin ng mga pulis sa Bicutan, Taguig City.

 

Kinilala ang dalawang Drug addict na sina Edgy Paming 32 anyos at live in partner nitong si Sharmane Gonzales 29 anyos.


 

Sa ulat ng Taguig city police office nagsasagawa ng Oplan Sita o Anti Criminality Campaign sa may bahagi ng MLQ Lower Bicutan, Taguig City nang maaresto ang dalawa.

 

Narekober sa kanila ang dalawanng sachet ng shabu na may bigat na 7 gramo at may street value na 51,000 pesos.

 

Sa ngayon nakakulong na ang dalawa at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act or 2002.

Facebook Comments