Grade 9 Student, Huli sa Pag Iingat ng Pinatuyong Dahon ng Marijuana

70

*Cauayan City, Isabela*-Huli ang isang Grade 9 Student matapos maaktuhan na gumagamit ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng eskwelahan sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Itinago ang biktima sa pangalang Mike, 14 anyos at residente ng Brgy. Saranay, Cabatuan, Isabela.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cabatuan, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa School Principal ng Luis Fe Gomez High School matapos maaktuhan ng kapwa mag aaral maging ang class adviser nito na gumagamit ng pinatuyong dahon ng marijuana ang menor de edad.

Agad namang tumugon ang pulisya sa impormasyon at ipinasakamay ng pamunuan ng paaralan ang nasabing mag aaral.

Kinumpiska rin dito ang narekober na pinatuyong dahon ng marijuana at

Patuloy naman ang isasagawang imbestigasyon ng awtoridad kung saan posibleng nakakuha ng dried leaves ng marijuana ang nasabing mag aaral.

Facebook Comments
From Advertisers