2 Drug Pusher, Arestado sa Loob ng Hotel!

403

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang dalawang lalaki matapos na kumagat sa inilatag na drug buybust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Echague at PDEA Region 02 sa loob mismo ng isang hotel sa Brgy. Castillo, Echague, Isabela.

Ang mga naaresto ay nakilalang sina Richard Ismael, 32 anyos, walang asawa, at Jonathan Macarilay, 27 anyos, kapwa residente ng Brgy. Salay, Echague, Isabela.


Narekober mula sa pag-iingat ni Ismael ang limang daang piso (P500) na buybust money, dalawang sachet ng hinihinalang shabu habang nakuha naman sa pag-iingat ni Macarilay ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at drug paraphernalia.

Dinala na sa himpilan ng Echague Police Station ang mga nahuling suspek maging ang mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers