Bayan ng Roxas, Kabilang sa Bibigyan ng ‘Show Cause Order’ ng DILG!

704

Cauayan City, Isabela- Kabilang sa iisyuhan ng ‘Show Cause Order’ ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang bayan ng Roxas sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa Assessment and Validation Rating na inilabas ng DILG, tanging ang bayan ng Roxas mula sa Rehiyon dos at kasali sa 97 na LGU’s ang bibigyan ng show cause order upang magpaliwanag sa kanilang non-compliance sa Road Clearing Operations na iniutos ng Pangulong Duterte.


Bukod sa Roxas ay nakapasa at nabigyan naman ng magandang grado ang mga bayan sa Lambak ng Cagayan matapos na makapasa sa Clearing Operations o paglinis at pagtanggal sa mga sagabal sa kalsada.

Ayon kay DILG Sec Eduardo Año, posibleng maharap sa kaukulang parusa ang mga LGU’s na hindi tumupad sa kautusan ng Pangulo.

Sa kabuuan ay naging matagumpay ang clearing operations ng bawat LGU sa bansa dahil mula sa 1, 245 LGU’s sa bansa ay 97 lamang ang hindi pumasa sa validation team ng DILG.

Facebook Comments

From Advertisers