2 drug pusher, patay sa Pasig City

Manila, Philippines – Patay ang 2 nagbebenta ng iligal na droga matapos manlaban sa mga tauhan ng Pasig City pulis.

Sa initial na report, nag sagawa sila ng buy bust sa Jenes Extension kanto ng Eusebio Ave. Brgy. San Miguel.

Ayon kay Pssup. Orlando Yebra hepe ng Pasig PNP, nakabili na ng shabu ang mga operatiba , pero nakatunog ang mga suspek na nakilala lamang sa alyas Jason at David na pulis ang kanilang katransaksyon.


Sabi ni Yebra na nakipag palitan ng putok ang dalawa sa mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Pasig pulis station 2 , hanggang sa duguang bumulagta ang mga ito.

Bukod sa mga pakete ng iligal na droga, nabawi rin ang 2 baril kabilang na ang isang kalibre 45.

Facebook Comments