Tatlo, arestado sa pot session sa Parañaque City

183

Manila, Philippines – Natimbog ang tatlong katao matapos mahuli sa aktong bumabatak ng shabu sa Santos compound sa Barangay Don Bosco Parañaque City.

Target sana ng search warrant ang dating Barangay tanod na si Richard Herrera pero nadatnan sa lugar na nag pot session sina Gilbert Salazar at Oliver Delosreyes.

Nakuha sa lugar ang dalawampung piraso ng sachet ng hinihinalang shabu at kagamitan sa pagsinghot ng illegal na droga.


Nakakuha ng impormasyon ang station drug enforcement unit ng PNP Parañaque na ginagamit ang bahay ni Salazar na pot session at bentahan ng droga.
Dinampot din ang dalawang lalaki para sa beripikasyon matapos na itip ang rumispondeng mga pulis.

Facebook Comments