Arestado ang dalawang indibidwal at isang barangay chairman sa ikinasang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM sa Sultan Kudarat, Maguindanao.
Kinilala ang drug suspects na hinuli na sina Nasraila Ugan at Ali Ugan.
Pinagbilhan umano ng dalawa ang isang agent ng PDEA-BARMM ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P340,000 sa Barangay Kabuntalan, Sultan Kudarat.
Ang barangay chairman naman ng Kabuntalan na si Badrudin Datumanong Pinguiaman ay dinampot din ng mga otoridad dahil sa iligal na pagmamay-ari ng baril na narekober ng PDEA agents at ng personnel ng Sultan Kudarat municipal police nang tumangka itong pigilan ang pag-aresto kina Nasraila at Ali.
Ayon kay PDEA-BARMM Dir. Juvenal Azurin, sasampahan nila ng kasong obstruction of justice at possession of an unlicensed firearm si Pinguiaman.
Samantalang paglabag sa Republic Act 9165 ng Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa dalawang Ugan.(Daisy Mangod)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
2 Drug Suspect , Baranggay Kapitan Arestado ng PDEA BARMM
Facebook Comments