2 drug suspects arestado ng Parang-PNP!

Arestado ng kapulisan ng Parang Municipal Police Station (MPS) ang 2 drug suspects sa inilatag nilang checkpoint sa pangunguna ni Chief Of Police Police Supt. Ibrahim Jambiran.
Nakatanggap umano ng tawag ang kapulisan mula sa concerned citizen kung saan isinuplong nito ang riding-in-tandem na nasasangkot sa pagbibenta ng iligal na droga at nagpa-pot session sa Brgy. Nituan, Parang, Maguindanao.
Agad umalerto at kumilos ang mga otoridad at naglatag ng chechpoint sa national highway sa nabanggit na barangay, doon ay matagumpay nilang nalambat ang isinuplong na riders ng motorsiklo na walang plaka.
Dinampot ng mga pulis sina Esmael Guiamel Kamsa at Khairia Musa Kadatuan makarang walang maipakitang dokumento ng motorsiklo.
Sa isinagawang body search ng mga pulis ay nakuha mula kay Kamsa ang 2 transparent plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu.
Iniimbestigahan pa ng Parang-PNP ang mga nahuli.

Facebook Comments