
Dismayado ang higit sampung tricycle drivers na kabilang sa Quirino TODA sa Quezon city.
Dumating sila kanina sa pay out site dito sa Quezon City compound.
Pero, hindi sila nakatanggap ng limang libong ayuda dahil hindi nakasabay ang kanilang pangalan sa listahan kahit higit isang dekada nang aktibong namamasada.
Ayon kay Gabriel Barlinan at Leonardo Marcellino, 2005 pa sila namamasada kaya nagtataka sila kung bakit di sila nakasama sa master list na isinumite ng TODA sa LGU.
Giit pa nila, mas naisama pa sa listahan ang mga hindi aktibo at maging ang mga pumanaw na.
Ayon naman kay Benjamin Ibon, Chief ng Tricycle Regulatory Division kinuha na nila ang pangalan at numero ng mga dumating na drivers upang tingnan kung pasok sila sa mga kwalipikadong makakatanggap ng ayuda at para maisabay sila sa ikakasang special payout.










