2 drug suspek, namatay sa drug operation kada araw nitong nakalipas na buwan ng Enero

Manila, Philippines – Umaabot sa dalawang drug suspek ang namatay kada araw sa drug operation ng Philippine National Police mula ito December 31, 2018 hanggang January 31, 2019 o sa nakalipas na buong buwan ng Enero

Ito ay kung pagbabatayan ang naitalang bilang ng nasawing drug suspek sa buong buwan ng Enero na aabot sa 72 drug suspek.

Sa real number ph forum na ginawa ng mga representante mula PNP, NBI, PDEA at PCOO sa Camp Crame inihayag nilang sa kabuuan ay aabot na sa 5,176 drug suspek ang namatay simula nang umpisahan ang war on drugs ng gobyerno noong July 1, 2016.


Kasama na sa bilang na ito ang 72 drug suspek na namatay nang nakalipas na buong buwan ng Enero.

Paliwanag naman PNP Spokesperson Sr. Supt. Bernard Banac na hanggat maari ay iniiwasan nila ang may masawi sa mga drug operation.

Pero minsan ay kailangan aniyang depensahan ng mga pulis ang kanilang sarili lalo at kung nanlaban ang drug suspek.

Nanindigan ang tagapagsalita na nanatiling propesyunal ang kanilang hanay sa pagsasagawa ng drug operation.

Facebook Comments