2 empleyado ng Iloilo City Social Welfare And Development Office, sibak sa trabaho dahil sa umanoy pagbebenta ng mga bigas at relief goods sa mga tindahan

Iloilo, Philippines – Sibak sa trabaho ang dalawang regular employees ng Iloilo City Social Welfare And Development Office dahil sa umano’y pagbebenta ng bigas at relief goods sa mga tindahan.

Kinilala ang mga akusado na sina Jonathan Celis, driver at ang in-charge sa bodega ng CWSD na si Edwin Florendo.

Sa ulat – nakatanggap ng impormasyon ang customer service ng Iloilo City Government na ilang beses ginamit ang sasakyan ng CSWD sa paghahakot ng relief goods at bigas na inihatid sa mga tindahan sa Mandurriao at Lapaz districts.


Todo-tanggi naman sa alegasyon ang dalawa.

Samantala, nakatakda namang isailalim sa physical inventory ang lahat ng bigas at relief goods sa pangunguna ng Internal Audit Affairs Office.
Nation

Facebook Comments