Warriors, wagi sa game 2 ng Western Conference Playoff kontra Trail Blazers

31

Manila, Philippines – Taob sa game 2 ng kanilang best-of-seven series ang Portland Trail Blazers kontra Golden State Warriors sa iskor na 110-81.

Nanguna sa panalo ng warriors si Stephen Curry na kumamada ng 19 points habang 15 points naman ang ambag ni Javale Mcgee.

Ikinatuwa naman ni Curry ang magandang performance ng kanilang team.

Bigo namang makalaro sa panig ng Blazers si Jusuf Nurkic na kasalukuyang nagpapagaling dahil sa tinamong right leg injury.

Dahil sa panalo, naiposte ng Warriors ang 2-0 game lead sa Western Conference Playoffs.
Nation

Facebook Comments