2 Estudyante at Isa pa, Arestado sa Pagsusugal!

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga otoridad ang tatlong kalalakihan na kinabibilangan ng 2 estudyante matapos na maaktuhan sa paglalaro ng Tong-its ganap na 10:30 kagabi sa harapan mismo ng isang pribadong paaralan sa Lungsod ng Cauayan.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, posibleng maharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-illegal Gambling Act ang dalawang estudyante na sina John Art Maramag, 22 anyos mula sa City of Ilagan, Christian Dave Orquero, 20 anyos na taga Santiago City at si Juan Geraldo, 29 anyos, may-asawa, residente naman ng Turayong, Cauayan City, Isabela.

Nakatakas naman ang tatlo pa nilang kasamahan nang matunugan ang pagdating ng mga pulis sa lugar.


Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagpapatrolya ng PNP Cauayan upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa Lungsod.

Facebook Comments