2 Estudyante sa Santiago City, Timbog sa pagtutulak ng marijuana!

*Santiago City, Isabela-* Arestado sa isinagawang drug buy bust operation ang dalawang estudyante matapos magbenta ng marijuana sa loob ng isang internet cafe sa brgy. Centro East Santiago City.

Kinilala ang nga nadakip na sina Peter John Ora, 19 anyos, walang asawa, estudyante at residente ng Calaocan Santiago City at si Elton John De Vera, 18 anyos, estudyante at residente naman ng Centro West Santiago City.

Batay sa nakuhang report ng RMN Cauayan, nadakip ang dalawang tulak nang mapag-alaman ng PNP na nagbebenta ang mga ito ng marijuana kaya’t nagkasa ng buy bust ang mga otoridad.


Kumagat naman sa pa-in ng mga otoridad ang dalawang estudyante na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto.

Nakuha mula sa mga suspek ang apat na sachet na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana, isang folded paper na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana at ang limang daang piso na marked money.

Dinala na sa kustodiya ng PNP Santiago City ang dalawang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensivge Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments