MGEN Fernando Trinidad AFP Bagong Commander ng 9thID sa Camarines Sur

Nakatakdang palitan ngayong araw ang commander ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Camp Elias Angeles sa bayan ng Pili, Camarines Sur.
Nakatakdang gawin ang turn-over of command ganap na alas 9 ng umaga kung saan magiging pangunahing bisita ang pinakapinuno ng Philippine Army na si Lt. Gen. Macairog S. Alberto.
Nakatakdang magpaalam si Major General Jesus Managkil, Jr. bilang commanding officer ng 9th ID at papalitan siya ni Major General Fernando Trinidad na dating Chief of Staff for Intelligence ng Philippine Army.
Papalitan ni Trinidad si Managkil pagkatapos na maabot ng huli ang mandatory retirement age na 56.
Si Trinidad ay dati ring commander ng 31st Infantry Battalion na nakabase sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur at naging commander din ng 903rd Brigade sa Castillas probinsiya ng Sorsogon.
Si Major General Fernando T. Trinidad (Left), ay myembro ng Philippine Military Academy “Hinirang” Class of 1987.

Facebook Comments