2 Estudyanteng Menor de Edad sa San Isidro, Isabela, Timbog sa Pagbatak ng Droga!

113

*San Isidro, Isabela- *Arestado ang dalawang Grade 7 student matapos maaktuhang bumabatak ng marijuana sa brgy. Gomez, San Isidro, Isabela.

Sa impormasyong nakuha ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP San Isidro, Isabela ang isang 13 anyos at 16 anyos na estudyante na pawang mga residente ng bayan ng San Isidro matapos matiklo sa ginagawang pag pa-pot session sa likod ng RHU building sa tulong na rin ng isang concerned citizen na nagpaabot ng impormasyon.


Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang isang stick ng sigarilyo na naglalaman ng mga dahon ng marijuana, mga dahon ng marijuana na ipinatong sa papel at isang lighter.

Dinala na sa PNP San Isidro para kaukulang imbestigasyon at disposisyon maging ang mga nakumpiskang marijuana.

Facebook Comments