Lubos ang pasasalamat ng mga bakwit na nananatili sa Barangay Luna, bayan ng Tuy, Batangas.
Dalawang evacuation centers ang pinuntahan ng DZXL Radyo Trabaho team at ng RMN foundation katuwang ang P&A Foundation, STI Foundation, Roxas Holdings, CELLAIR TECHNOLOGY MANUFACTURING CORPORATION, MINAMOTO PACKAGING ENTERPRISES AT EXELPACK Corporation.
Ayon kay ginang evelyn erilla, lgu-aid ng region 4-A. Aabot sa kabuuang 100 pamilya na nasa 434 indibidwal ang bilang ng mga nanantuki sa dalawang evacuation centers.
Ilan sa mga nananatili dito ay nagmula pa sa Laurel, Lemery, Agoncillo, Taal at San Nicolas na lubhang naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sunod na pupuntahan ng DZXL Radyo Trabaho at RMN foundation ang mga evacuation centers sa bayan ng Calatagan, Batangas.