2 explosive experts at 3 pang CPP-NPA Guerillas patay sa engkwentro sa South Cotabato

Nasawi ang dalawang explosive experts at tatlo pang CPP- NPA guerillas matapos na makasagupa ang Police Operatives sa South Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, bitbit ng mga pulis ang warrant of arrest para iisyu sa mga miyembro ng Guerilla Front 53 ng Southern Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA-NDF na inaakusahan sa mga kasong Murder, Frustrated Murder at Attempted Murder sa Sitio Kibang, Barangay Ned, bayan ng Lake Sebu.

Pero pagdating nila sa area ng mga subject ng warrant of arrest, sila ay pinagbabaril gamit ang long firearms at automatic handguns.


Gumanti naman ng putok ang mga pulis at nagkaroon ng ilang minutong engkwentro dahilan pagkasawi ng mga NPA na kinilalang sina:

Bernie Canyon alias Delmar, Commanding Officer ng Ordinance Platoon;
Rogelio Magsaya alias Sargs/Delio,Vice Commanding Officer, ng Pulang Bagani Command;
Romeo Hebron alias Frank/Melvin, Head ng Regional Ordnance, SMRC;
Ka Mercy, SMRC wife of certain Dulce; at
Isang Mckoy, miyembro ng FSG, SMC

Nakuha sa mga nasawing CPP NPA Guerillas ang isang caliber 5.56 M16 Rifle; isang cal.30 Carbine; isang Cal.45 pistol; isang Cal.40 pistol; IED at mga IED components.

Facebook Comments