Cauayan City, Isabela- Iginawad kamakailan sa dalawang (2) asosasyon mula sa mga impluwensyang barangay ng Taytay at Bunugan sa Baggao, Cagayan ang livelihood assistance na nagkakahalaga ng kabuuang P993,647.70 sa pamamagitan ng DOLE-Cagayan Field Office (CFO).
Kaugnay nito, animnapu (60) miyembro mula sa dalawang asosasyon ang makikinabang sa nasabing livelihood grant bilang bahagi ng pangako ng labor department alinsunod sa Executive Order No. 70.
Nakapaloob sa nasabing tulong ang isang mini-grocery project para sa Bunugan Farmers Association at rice and feeds vending para sa Taytay Sustainable Farmers Association.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa tulong na kanilang natanggap mula sa ahensya habang sinusubukan nilang makabangon mula sa masamang epekto ng pandemya ng COVID-19.
Facebook Comments