2 Gun Runner, Patay sa Entrapment Operation!

69

*Bagabag, Nueva Viscaya*- Patay ang dalawang lalaking gun runner matapos manlaban sa ikinasang Entrapment Operation ng mga otoridad dakong alas dos kwarentay singko kaninang madaling araw, Hulyo 24, 2018 partikular sa National Highway sa Brgy. Pogonsino, Bagabag, Nueva Viscaya.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Joel Sabiano, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Domang, Dupax del Sur, Nueva Viscaya at si Jun Batara, nasa tamang edad at residente naman ng Brgy. Malasin, Dupax del Norte, Nueva Viscaya.

Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, natunugan umano ng dalawang gun runner ang ikinasang Entrapment Operation ng pinagsanib pwersa ng PNP Nueva Viscaya, Regional Intelligence Division (RID), Regional Special Operations Group (RSOG) at Provincial Intelligence Branch (PIB) kaya’t nakipagpalitan umano ang mga ito ng putok ng baril sa mga operatiba na nagresulta sa kanilang agarang pagkamatay.

Sa ngayon ay patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ang kapulisan hinggil sa naturang pangyayari.

Facebook Comments