2 hanggang 3 COVID-19 vaccine developers, inaasahang mag-a-apply ng EUA

Inaasahan ng Task Group on Vaccine Evaluation and Selection (TG-VES) na dalawa hanggang tatlong vaccine developers pa ang mag-a-apply ng Emergency Use Authorization (EUA) para sa kanilang COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Cristina Guevara, mas marami ang inaasahang aplikante pero posibleng walang EUA approval ngayong buwan.

Aniya, tumatagal ng isang linggo ang proseso ng Food and Drug Administration (FDA) para sa EUA applications.


Una nang tiniyak ni FDA Director General Usec. Eric Domingo na daraan sa masusing proseso ang lahat ng mag-a-apply ng EUA.

Facebook Comments