Batanes, muling idineklarang COVID-19 free

32

Muling idineklarang COVID-19 free ang lalawigan ng Batanes matapos gumaling sa virus ang naitalang 10 kaso.

Batay sa Facebook post ng Provincial Government of Batanes, sinabi nila na ang pagpapatupad nila ng istriktong quarantine ang naging susi para mapigil nila ang COVID-19 transmission.

Kasabay nito, binigyang pugay naman ng lokal na pamahalaan ng Batanes ang kanilang frontliners.


Facebook Comments