2 hanggang 3 katao namamatay kada araw sa Aklan dahil sa COVID-19

Kasunod nang mataas na kaso ng COVID-19 sa Aklan, tumataas na rin ang naitatalang nasasawi sa lugar.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Aklan Governor Florencio Miraflores na sa kabuuan ay umaabot sa 184 deaths ang kanilang naitala simula noong Marso.

Pero ang nakakaalarma ani Gov. Miraflores ay nagkaroon na rin ng surge sa bilang ng mga nasasawi sa Aklan kung saan nito lamang Mayo hanggang Hulyo ay nakapagtala sila ng 137 deaths o 2 hanggang 3 katao ang nasasawi sa kada araw.


Kasunod nito, nag-abiso na rin sya sa mga munisipalidad doon na ihanda ang mga sementeryong paglilibingan ng mga nasawi dahil sa COVID-19.

Hindi kasi muna tumatanggap ang crematorium ng Iloilo dahil nagkaroon ito ng aberya.

Bilin ni Gov. Miraflores, dapat ilibing agad ang nasawi mula sa COVID-19 labindalawang oras magmula ng ito ay masawi at 6ft. below the ground upang hindi kumalat ang virus.

Facebook Comments