2 High Value Taget sa Iligal na Droga, Timbog

Cauayan City, Isabela- Timbog ang dalawang High Value Target sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad bandang 12:45 ng tanghali sa Brgy. Centro West, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Jeremiah Sagun at Gino Giron Garzota kapwa mga nasa tamang edad.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang (2) pakete ng naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 0.5 gram at may market value na P4,000.


Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments