Mga estudyante sa pampublikong paaralan sa Pasay, magsisimula ng makatanggap ng tulong pinansyal

Ngayong araw at bukas ay kasado na ang pamimigay ng Pasay City Government ng financial assistance para sa mga estudyante sa pampublikong elementary at high school.

Unang bibigyan ang mga mag-aaral sa:
• Padre Burgos Elementary School
• Juan Sumulong Elementary School
• Don Carlos Elementary School
• Pres. Corazon Aquino High School

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, sa mga susunod na iskedyul ay mapagkakalooban naman ng tulong pinansyal ang estudyante sa iba pang pampublikong paaralan sa lungsod.


Masaya ring ibinalita ni Rubiano na mula sa dating P500 ay itinaas na ng lokal na pamahalaan sa P1,000 kada buwan ang ayuda sa mga learners.

Kasabay nito ay muli ding ipinaalala ni Rubiano ang mga pag-iingat laban sa COVID-19 tulad ng pananatili sa bahay, paghuhugas palagi ng kamay o paggamit ng alcohol at pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments