2-high value target ng PDEA-12, patay sa operasyon

181

General Santos City – Patay ang dalawang lalaki na target ng PDEA 12, at ng pulisya sa Matalam, North Cotabato alas 12:00 ng Madaling araw kahapon matapos nanlaban sa otoridad ng isinagawa ang buybust operation.

Kinilala ni PDEA 12 Director Gil Castro ang mga suspek na sina Omar Samsudin, alyas Sam at Pendatukan Salapiutan alyas Tok parehong residente ng Prk. Birds Of Paradise, Brgy. Poblacion, Matalam.

Sinabi ni Director Castro na kinokonsidera nilang high valued target ang mga suspek at matagal na nilang minamanmanan. Ang dalawa ay kasama umano sa grupo ng mga involved sa illegal drugs na may mga armas at explosive.


Napag-alaman na nanlaban ang dalawa nang kanilang nalaman na kasapi ng PDEA at PNP ang kanilang nakatransaksyon.

Narekober mula sa mga suspek ang 80 gramo pinaniniwalaang Shabu, 500 na marked money, caliber 38 revolver, mga bala, isang hand grenade at isang Suzuki multicab.

Facebook Comments