2 hinihinalang NPA, arestado sa Bukidnon

Bukidnon – Dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang naaresto sa Purok 15, Kiburi-Ao, Bukidnon.

Nakakulong na ang mga suspek na sina Ruel at Ramil Cololot.

Ayon sa pulisya, kilala sa lugar ang dalawa bilang mga miyembro ng NPA na notoryus sa paggawa ng bomba.


Nakumpiska sa mga suspek ang mga kable, soldering iron, transistor radio at iba pang materyales sa paggawa ng pampasabog.

Facebook Comments