2 holdaper, napatay sa engkwentro sa pagitan ng mga pulis sa barangay Payatas, QC

Hindi pa kilala hanggang ngayon ang dalawang lalaking holdaper na napatay ng mga tauhan ng QCPD station 6 sa isang engkwentro kaninang madaling araw.

Nangyari ang engkwentro dakong 2:30 ng madaling araw sa Banahaw St. Brgy. Payatas, matapos holdapin ng mga suspect ang isang passenger jeepney sa kanto ng Payatas Rd  at Majaas St.

Nabawi sa kanilang pag-iingat ang dalawang 38 revolvers, mga bala, 1 motorsiklo at iba pang personal belongings.


Isa sa dalawang suspect ay nakasuot ng kulay itim na sweatshirt, pulang jacket, maong shorts, black cap, black mask at nakasuot ng pulang sapatos.

Habang ang isa naman ay nakasuot ng itim na jacket, maong shorts, at kulay grey na sapatos.

Facebook Comments