San Juan City LGU, may bagong PESO; San Juan’s first policy, ipapatupad sa lungsod

San Juan’s first policy, ito ang tugon ni San Juan City Mayor Francis Zamora hinggil sa usapin ng paggawa sa kanyang nasasakupan.

Ayon sa kaniya, titiyakin niyang mahigpit itong ipatutupad sa lungsod upang masiguro na mabibigyan ng trabaho ang nangangailangan niyang nasasakupan.

Sa kasalukuyan, may isang ordinansa ang lungsod na nag-uutos sa lahat ng mga establisimyento at negosyo sa lungsod na ilang porsiyento ng kanilang mga tauhan ay dapat na taga San Juan.


Samantala, nagtalaga na si Mayor Zamora ng bagong City Peso. Hindi pa pinangalanan subalit sinabi nito na sa susunod na linggo na ito magsisimula sa kaniyang panunungkulan bilang PESO Manager.

 

Facebook Comments