2 huli sa pagbebenta ng overpriced thermal scanner

Kulungan ang bagsak ng magkaibigan matapos mahuling nagbebenta ng thermal scanners na may mataas na patong sa presyo sa Pasig City.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina Sofia Loren, 27, at Melvin Loto, 37, kapwa residente ng Tawiran Street, Brgy. Santolan sa nasabing lungsod.

Nadakip ang dalawa sa ikinasang entrapment operation sa loob ng isang fast-food resto sa Brgy. San Nicolas, Lunes ng hapon.


Nakuha ng awtoridad ang 10 unit ng thermal scanner at P50,000 boodle money na ginamit sa operasyon.

Pareho silang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7394 o ang Consumer Act.

Facebook Comments