Bading, Pinagtulungang Saksakin ng 2 Lalaki Matapos Itong Hindi Magbayad!

760

Cauayan City, Isabela- Pinagsasaksak ng dalawang lalaki ang isang bading matapos umanong hindi tumupad sa usapan sa isang suspek sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang biktima na nagtamo ng 7 saksak sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na si Crisanto Estavillo, 42 taong gulang, walang asawa, waiter, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Tagaran at tubong Brgy. Minanga, Naguillan, Isabela.


Habang ang suspek ay nakilalang si Jolo Bondoc, 19 taong gulang, binata, residente ng San Fermin, Cauayan City kasama ang isang hindi pa matukoy na lalaki.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, inihatid ng mga suspek ang biktima sa bahay nito at nag-inuman ang mga ito sa loob ng bahay.

Nang sila’y makaubos ng 3 bote ng alak ay pumasok sa kwarto ang biktima kasama ang isang suspek na si Bondoc.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas mula sa kwarto ang suspek at agad kumuha ng kutsilyo at isinaksak ng maraming beses sa biktima habang siya ay hawak ng isa pang suspek.

Nakahingi ng tulong ang biktima kaya’t agad itong dinala sa ospital habang tumakas naman ang dalawang suspek na pinaghahanap ngayon ng otoridad.




Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang kutsilyo na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek.

Nabatid na hindi umano tinupad ng biktima ang kanilang usapan ni Bondoc na babayaran niya ito ng Php500.00 matapos ang kanilang pagsasama sa loob ng kwarto.

Facebook Comments