2 Indian na miyembro ng kidnap for ransom group na napatay matapos makipagbarilan sa mga pulis, kinilala na

196

Manila, Philippines – Kinilala na nang PNP Anti-Kidnapping Group ang dalawang Indian na miyembro ng kidnap for ransom group na nasawi kaninang madaling araw matapos makipagbarilan sa mga tauhan ng PNP AKG.


Ang mga banyagang kidnaper ay kinilalang sina Pardeep Kumar at Honey Singh alyas Honey Delo kapwa Indian nationals.

Dakong alas 3:05 ng madaling araw kanina sakay ng motorsiklo ang dalawa ng makipagbarilan sa mga pulis dahilan ng agaran nilang pagkamatay sa bahagi ng Palanas Road, Anabu 1G, Imus City, Cavite

Ayon kay PNP AKG Chief Police Sr. Supt. Glen Dumlao ang pagkakapatay sa dalawa ay dahil sa kanilang ginawang pagdukot sa isang Lalit Kumar ng Dasmarina Cavite noong September 3, 2017.

Pero kahapon, nakumpirma ng PNP na pinatay ng mga suspek ang biktimang si Kumar.

Nag-demand pa raw ang mga suspek ng ransom mula sa 20 million pesos hanggang sa naibaba sa 680 thousand pesos.


Facebook Comments