2 Indian Nationals at Pinoy na kasabwat sa pagbebenta ng pekeng anti-rabbies vaccine, arestado ng NBI

Manila, Philippines – Arestado sa entrapment operation ng NBI- Cybercrime Division ang dalawang Indian nationals at ang kasabwat nitong Pinay na nagbebenta sa bansa ng mga pekeng anti-rabbies vaccine

Unang nakatanggap ng tip ang NBI hinggil sa isang tindahan sa Paco, Maynila na nag-aalok ng mga illegal drugs na may label na “KAMINI VIDRAWAN RAS” na ang Ibig sabihin ay “For Sale in India Only”

Kinilala ang mga suspek na sina Kumar Sunil Motumal, Chutani Rakhi Darbala at ang Pinay na si Mary Chris Mabini.


Nagsagawa ng test-buy ang mga ahente ng NBI sa tindahan ng mga suspek at Nang suriin ang laman ng box, positibo ito sa presensya ng iligal na droga.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang mga gamot na may label na “Rabipur” o mga bakuna kontra rabbies na dapat ay ibinebenta lamang sa India.

Lumabas din sa pagsusuri ng Forensic Chemistry Division na positibo ang mga ito sa presensya ng Opium at Morphine.

Walang naipakitang papeles ang mga ito mula sa Food and Drug Administration.

Sinampahan na ang tatlo sa Manila Prosecutors Office ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Cybercrime Prevention Act of 2009 at paglabag sa RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

Facebook Comments